Sa anong uri ng Tibaro ka nabibilang?
Sa anong uri ng Tibaro ka nabibilang?
Handa ka na bang pasukin ang mundo ni Moymoy? Bago ka makapasok sa kanyang mundo, nararapat ka munang humarap sa pagsubok upang maging isang tunay na TIBARO!
Handa ka na bang pasukin ang mundo ni Moymoy? Bago ka makapasok sa kanyang mundo, nararapat ka munang humarap sa pagsubok upang maging isang tunay na TIBARO!

Kung mag-aalaga ka ng isang hayop, anong hayop ang aalagaan mo?
Kung lilipat ka ng bahay, saan mo gustong lumipat?
Anong kapangyarihan ang gusto mong makamit?
Ano ang pinakagusto mong asignatura?
Ano ang paborito mong kulay?
Anong elemento ang pinakagusto mo?
Ano ang pinakagusto mong sasakyan?
Ano ang pinakagusto mong oras ng araw?
Kung ito lamang ang listahan ng pagkain na pwede mong kainin, anong pagkain ang pipiliin mo?
Kung may tatanggalin ka sa listahan ng mga tibaro, sino ang tatanggalin mo?
Aswang
Aswang
Isa kang tunay na Aswang! Ang mga aswang ang pinakamalakas at makapangyarihan sa lahat ng Tibaro. Kaya nilang magpalit ng anyo. Matitipuno ang kanilang katawan at madalas na mangaso sa kagubatan. Ang kanilang balat ay kasing-kulay ng batong-buhay sa dagat.
Tikbalang
Tikbalang
Tik! Tik! Tik! Heeeeeh! Isa ka sa amin! Isa kang tunay na Tikbalang! Kaming mga tagapag-alaga ng mga kabayo ng Gabun na siyang ginagamit namin sa paglalakbay. Mahusay kami sa paglalakbay mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar!
Manananggal
Manananggal
Eeek! Eeek! Mananggal ka! Ang mga manananggal naman ay kayang lumipad gamit ang knailang makukulay na pakpak. Ngunit, noong sila ay sinumpa ng mga apo, kaya na nilang hatiin ang kanilang mga katawan at pumangit ang kanilang mga pakpak.
Kapre
Kapre
Dooog! Doooooog! Isa kang tunay na higante! Isa kang Kapre! Kami ang mga nagtataasang nilalang. Mas matatangkad pa kami kaysa normal na puno. Kami ang gumagawa ng lahat ng mahihirap na gawain dahil na rin sa aming taglay na lakas.
Duwende
Duwende
Kamusta Kapatid! Isang pagbati mula sa mundo ng mga Duwende! Maliliit mang ituring ang ating wangis, tayo naman ang pinakamasaya at nagpapaubaya ng saya sa lahat ng mga tibaro. Tayo ang mga nilalang na nagtatanghal at kapangyarihan natin ang magpasaya ng ibang tao!
Apo
Apo
Pagpupugay! Kasama! Tayo ang mga Apo! Ang tinaguriang mga bathala ng mga tibaro. Tayo ang sinasamba at binibigyan nila ng galang. Tayo ang nagbibigay basbas sa lahat ng tibaro sa buong Gabun ngunit tayo ang may pinakamalaking responsibilidad sa lahat!